The Bible Software
bible.softwareHoseaHosea 13 › Hosea 13:15

Hosea 13:15

Kahit na masagana si Efraim sa kaniyang mga kapatid, darating ang isang hanging silangan; iihip ang hangin ni Yahweh mula sa ilang. Matutuyo ang bukal ni Efraim, at mawawalan ng tubig ang kaniyang balon. Sasamsamin ng kaniyang mga kaaway ang bawat mamahaling bagay sa kaniyang kamalig.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Though he be fruitful among his brethren, an east wind shall come, the wind of the LORD shall come up from the wilderness, and his spring shall become dry, and his fountain shall be dried up: he shall spoil the treasure of all pleasant vessels.

In Context

14Ililigtas ko ba talaga sila mula sa kapangyarihan ng sheol? Ililigtas ko ba talaga sila mula sa Kamatayan? Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Dalhin mo sila rito. Sheol, nasaan ang iyong pagwawasak? Dalhin mo ito dito. Nakatago mula sa aking mga mata ang kahabagan.”

16Nagkasala ang Samaria, sapagkat siya ay naghimagsik laban sa kaniyang Diyos. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; ang kanilang mga sanggol ay gugutayin ng pira-piraso at lalaslasin ang tiyan ng kanilang mga nagdadalang tao.

Read all of Hosea 13

Cross References

Genesis 41:23Masdan, pito pang mga uhay, lanta, payat at nilanta ng silangang hangin, ang umusbong kasunod nila.

Genesis 48:19Tumanggi ang kanyang ama at nagsabi, “Alam ko, anak, alam ko, siya ay magiging isang lahi, at siya rin ay magiging dakilang mga lahi. Pero ang kanyang nakababatang kapatid ay magiging mas dakila pa kaysa sa kanya, at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging maraming mga bansa.”

Deuteronomy 33:17Ang unang anak ng isang toro, maluwalhati siya, at kaniyang mga sungay ay ang mga sungay ng isang mabangis na toro. Kasama nilang itutulak niya ang mga tao, lahat sila, sa katapusan ng mundo. Ito ang mga sampung libo ng Efraim; ito ang mga libu-libo ni Manases.

Psalms 1:4Ang mga masasama ay hindi katulad nito, sa halip sila ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin.

Isaiah 14:21Maghanda ka sa pagkatay sa kaniyang mga anak, dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno, upang hindi sila tumaas at makuha ang mundo at punuin ang buong daigdig ng mga lungsod.

Isaiah 41:16Tatahipan mo at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng hangin. Ikaw ay magagalak kay Yahweh, ikaw ay magagalak sa Banal ng Israel.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hosea 13:15

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hosea 13:14Hosea 13Hosea 13:16 →