The Bible Software
bible.softwareHoseaHosea 13 › Hosea 13:16

Hosea 13:16

Nagkasala ang Samaria, sapagkat siya ay naghimagsik laban sa kaniyang Diyos. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; ang kanilang mga sanggol ay gugutayin ng pira-piraso at lalaslasin ang tiyan ng kanilang mga nagdadalang tao.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Samaria shall become desolate; for she hath rebelled against her God: they shall fall by the sword: their infants shall be dashed in pieces, and their women with child shall be ripped up.

In Context

15Kahit na masagana si Efraim sa kaniyang mga kapatid, darating ang isang hanging silangan; iihip ang hangin ni Yahweh mula sa ilang. Matutuyo ang bukal ni Efraim, at mawawalan ng tubig ang kaniyang balon. Sasamsamin ng kaniyang mga kaaway ang bawat mamahaling bagay sa kaniyang kamalig.

Read all of Hosea 13

Cross References

2 Kings 8:12Tinanong ni Hazael, “Bakit ka umiiyak, aking panginoon?” Kaniyang sinagot, “Dahil nalalaman ko ang kasamaan na iyong gagawin sa bayan ng Israel. Susunugin mo ang kanilang mga kutang tanggulan, at papatayin mo ang kanilang mga kabataang lalaki gamit ang espada, dudurugin ang kanilang mga maliliit na bata, at bibiyakin ang tiyan ng kanilang babaeng buntis.”

2 Kings 17:6Sa ika-siyam na taon ni Hosea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinalang bihag ang Israel sa Asiria. Dinala niya sila sa Hala, sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.

2 Kings 19:9Pagkatapos narinig ni Senaquerib na kumilos si Tirhaka ang hari ng Etiopia at ang Ehipto para kalabanin siya, kaya muli siyang nagpadala ng mensahero kay Hezekias na may mensaheng:

Isaiah 7:8dahil ang kabisera ng Aram ay Damascus, at ang pinuno ng Damascus ay si Rezin. Sa loob naman ng animnapu't limang taon, ang Efraim ay magkakawatak-watak at hindi na muling magiging bayan.

Isaiah 13:16Dudurugin din ng pira-piraso ang kanilang mga anak sa kanilang harapan. Nanakawan ang kanilang mga bahay at huhulihin ang kanilang mga asawa at sisipingan.

Hosea 7:14Hindi sila tumawag sa akin ng buong puso, ngunit humagulgol sila sa kanilang mga higaan. Sinusugatan nila ang kanilang mga sarili upang magkaroon ng trigo at bagong alak at lumayo sila mula sa akin.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hosea 13:16

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hosea 13:15Hosea 13