The Bible Software
bible.softwareHoseaHosea 2 › Hosea 2:12

Hosea 2:12

Wawasakin ko ang kaniyang mga puno ng ubas at ang kaniyang mga puno ng igos, na sinabi niya, “Ito ang mga kabayarang ibinigay sa akin ng aking mga mangingibig.” Gagawin kong gubat ang mga ito, at kakainin ng mga hayop sa parang ang mga ito.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will destroy her vines and her fig trees, whereof she hath said, These are my rewards that my lovers have given me: and I will make them a forest, and the beasts of the field shall eat them.

In Context

11Patitigilin ko rin ang lahat ng kaniyang mga pagdiriwang—ang kaniyang mga pista, ang kaniyang mga pagdiriwang sa bagong buwan, ang kaniyang mga Araw ng Pamamahinga, at ang lahat ng kaniyang mga itinakdang kapistahan.

13Paparusahan ko siya dahil sa mga araw ng pista ng mga Baal, nang nagsunog siya ng insenso sa kanila, nang pinalamutian niya ang kaniyang sarili ng kaniyang mga singsing at alahas, at sinundan niya ang kaniyang mga mangingibig at nilimot ako.” Ito ang pahayag ni Yahweh.

Read all of Hosea 2

Cross References

Isaiah 5:5Ngayon, ipaaalam ko sa inyo kung ano ang gagawin ko sa aking ubasan; puputulin ko ang mga halamang nakapaligid dito; gagawin ko itong isang pastulan; wawasakin ko ang pader nito, at tatapak-tapakan ito.

Isaiah 29:17Hindi magtatagal, magiging isang bukid ang Lebanon, at ang bukid ay magiging isang gubat.

Jeremiah 8:13Ganap ko silang aalisin, ito ang pahayag ni Yahweh, hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, ni magkakaroon ng mga igos sa mga puno ng igos. Sapagkat malalanta ang mga dahon at mawawala ang ibinigay ko sa kanila.

Jeremiah 26:18Sinabi nila, “Si Mikas na isang Morastita ay nagpahayag sa mga panahon ni Hezekias, na hari ng Juda. Nagsalita siya sa lahat ng taga-Juda at sinabi, “Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: Magiging gaya ng isang parang na binubungkal ang Zion, magiging isang bunton ng mga durog na bato ang Jerusalem at magiging isang masukal na burol ang bundok na kinatatayuan ng templo.'

Hosea 5:14Kaya magiging tulad ako ng isang leon sa Efraim, at tulad naman ng isang batang leon naman sa sambahayan ng Juda. Ako, maging ako, ang gugutay at aalis; ako ang mag-aalis sa kanila at walang sinuman ang makapagliligtas sa kanila.

Hosea 13:8Sasalakayin ko sila tulad ng isang oso na ninakawan ng kaniyang mga anak. lalaslasin ko ang kanilang mga dibdib, at doon ay lalapain ko sila tulad ng isang leon— tulad ng isang mabangis na hayop na pipilasin sila ng pira-piraso.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hosea 2:12

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hosea 2:11Hosea 2Hosea 2:13 →