The Bible Software
bible.softwareHoseaHosea 2 › Hosea 2:4

Hosea 2:4

Hindi ako mahahabag sa kaniyang mga anak, sapagkat sila ay mga anak sa pagbebenta ng aliw.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will not have mercy upon her children; for they be the children of whoredoms.

In Context

3Kung hindi, huhubaran ko siya at ipapakita ang kaniyang kahubaran gaya sa araw ng kaniyang pagkasilang. Gagawin ko siyang tulad ng ilang, tulad ng isang tigang na lupa at papatayin ko siya sa uhaw.

5Sapagkat ang kanilang ina ay naging babaing nagbebenta ng aliw, at siya na nagbuntis sa kanila ay gumawa ng kahiya-hiya. Sinabi niya, “Susundan ko ang aking mga mangingibig, sapagkat ibinibigay nila sa akin ang aking tinapay at tubig, ang aking lana at lino, ang aking langis at inumin.”

Read all of Hosea 2

Cross References

2 Kings 9:22Nang nakita ni Joram si Jehu, sinabi niya, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan, Jehu?” Sumagot siya, “Anong kapayapaan ang naroroon, kung napakaraming pagsamba sa diyus-diyusan na mayroong prostitusyon at pangkukulam ng iyong inang si Jezabel?”

Isaiah 50:1Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Nasaan ang katibayan ng paghihiwalay na ginamit ko para hiwalayan ang inyong ina? At kanino sa mga tagapagbili ko kayo pinagbili? Tingnan ninyo, pinagbili kayo dahil sa inyong mga kasalanan, at dahil sa inyong paghihimagsik, pinatapon ang inyong ina.

Jeremiah 13:14At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'

Ezekiel 8:18Kaya kikilos din ako sa kanila, hindi mahahabag ang aking mata sa kanila at hindi ko sila kaaawaan. Kahit tatawag sila sa aking mga tainga na may isang malakas na tinig, hindi ko sila diringgin!”

Hosea 1:2Noong unang magsalita si Yahweh sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya sa kaniya, “Humayo ka, mag-asawa ka ng babaing nagbebenta ng aliw. Magkakaroon siya ng mga anak na bunga ng kaniyang pagbebenta ng aliw. Sapagkat nagkakasala ang lupain ng matinding gawain ng pagbebenta ng aliw habang tinatalikuran ako.”

Zechariah 1:12Pagkatapos, sinagot ng anghel si Yahweh at sinabi, “Yahweh ng mga hukbo, gaano katagal kang hindi magpapakita ng pagkahabag sa Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda na nagdusa ng iyong pagkagalit nitong pitumpung taon”?

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hosea 2:4

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hosea 2:3Hosea 2Hosea 2:5 →