Jeremiah 13:14
At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Makinig kayo at bigyang pansin. Huwag kayong maging mayabang, sapagkat sinasabi Yahweh.
Cross References
Judges 7:20Hinipan ng tatlong pangkat ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayan. Hinawakan nila ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay at mga trumpeta sa kanang kamay para hipan ang mga ito. Sumigaw sila, “Ang espada ni Yahweh at ni Gideon,”
2 Chronicles 20:23Dahil ang mga tao ng Ammon at Moab ay dumating upang labanan ang mga naninirahan sa Bundok ng Seir, upang tuluyan silang patayin at wasakin. Nang matapos sila sa mga naninirahan ng Bundok ng Seir, nagtulungan silang lahat upang wasakin ang bawat isa.
Isaiah 9:20Hihiwa sila ng laman sa kanilang kanang kamay pero magugutom pa rin sila; kakainin nila ang laman ng kanilang kaliwang kamay pero hindi sila mabubusog.
Jeremiah 6:21Kaya sinabi ito ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, maglalagay ako ng katitisuran laban sa mga taong ito. Matitisod sila dito, ang mga ama kasama ang mga anak na lalaki. Ang mga naninirahan sa lugar na iyon at ang kanilang kapwa ay mamamatay rin.
Jeremiah 16:5Sapagkat sinasabi ito ni Yahweh, 'Huwag kang pumasok sa anumang bahay kung saan may nagluluksa. Huwag kang pupunta sa may nananaghoy, at huwag kang makidalamhati sa mga taong ito. Dahil tinipon ko ang aking kapayapaan, tipan na may katapatan, at mga gawang may kaawaan, mula sa mga taong ito! —Ito ang pahayag ni Yahweh—
Jeremiah 21:7Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'