Hosea 4:13
Nag-aalay sila sa mga tuktok ng mga bundok at nagsusunog ng insenso sa mga burol, sa ilalim ng mga ensina, mga alamo at mga roble, sapagkat mabuti ang lilim ng mga iyon. Kaya naman nakagawa ng sekswal na imoralidad ang inyong mga anak na babae at nangangalunya ang inyong mga manugang na babae.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 12:10Kaya ngayon hindi aalis ang espada sa iyong bahay, dahil inalipusta mo ako at kinuha ang asawa ni Urias ang Heteo bilang iyong asawa.'
2 Kings 23:7Inalis niya ang mga gamit sa mga silid ng mga gumagawa ng mahahalay na ritwal bilang pagsamba, sa templo ni Yahweh, kung saan humabi ang mga babae ng mga kasuotan para kay Asera.
Isaiah 1:29Dahil ikahihiya ninyo ang banal na mga punong owk na ninais ninyo, at ipapahiya kayo ng mga hardin na pinili ninyo.
Isaiah 57:7Inihanda ninyo ang inyong higaan sa isang mataas ng bundok; umakyat din kayo doon para maghandog ng mga alay.
Jeremiah 3:6Kaya sinabi sa akin ni Yahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo ba kung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungo siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilos gaya ng babaing bayaran.
Ezekiel 6:13At malalaman ninyo na ako si Yahweh, kapag ang kanilang mga patay ay nakahiga kasama ng kanilang mga diyus-diyosan sa palibot ng kanilang mga altar sa bawat mataas na burol—sa lahat ng mga taluktok ng bundok at sa ilalim ng bawat malagong punong kahoy at mayabong na ensena—ang mga lugar kung saan sila nagsusunog ng mga insenso sa kanilang mga diyus-diyosan.