The Bible Software
bible.softwareHoseaHosea 4 › Hosea 4:12

Hosea 4:12

Sumasangguni ang aking mga tao sa kanilang mga diyus-diyosan na kahoy, ang kanilang mga tungkod ang nagbibigay sa kanila ng mga hula. Sapagkat ang espiritu ng kahalayan ang nagligaw sa kanila at iniwan nila ako, na kanilang Diyos.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

My people ask counsel at their stocks, and their staff declareth unto them: for the spirit of whoredoms hath caused them to err, and they have gone a whoring from under their God.

In Context

11Ang mahalay na gawain, ang alak at bagong alak ang nag-alis sa kanilang pang-unawa.

13Nag-aalay sila sa mga tuktok ng mga bundok at nagsusunog ng insenso sa mga burol, sa ilalim ng mga ensina, mga alamo at mga roble, sapagkat mabuti ang lilim ng mga iyon. Kaya naman nakagawa ng sekswal na imoralidad ang inyong mga anak na babae at nangangalunya ang inyong mga manugang na babae.

Read all of Hosea 4

Cross References

Leviticus 17:7Hindi na dapat maghandog ang mga tao ng kanilang mga alay sa kambing na mga diosdiosan, kung saan kumikilos sila tulad ng mga bayarang babae. Ito ay magiging isang permanenteng batas para sa kanila hanggang sa katapusan ng kanilang salinlahi.'

Numbers 15:39Magiging isang natatanging paalala ito sa inyo, kapag makita ninyo ito, sa lahat ng aking mga utos, upang tuparin ang mga ito para hindi ninyo sundin ang inyong sariling puso at sariling mga mata, na kung saan kumilos kayo dati tulad ng mga mangangalunya.

Judges 18:5Sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap alamin ang payo ng Diyos, para malaman namin kung magtatagumpay ba kami sa pupuntahang paglalakbay.

2 Chronicles 21:13sa halip ay lumakad ka sa kaparaanan ng mga hari ng Israel, at nagdulot sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem upang kumilos na gaya ng nagbebenta ng aliw, na tulad ng ginawa ng tahanan ni Ahab, at dahil pinatay mo rin gamit ng tabak ang iyong mga lalaking kapatid sa pamilya ng iyong ama, ang mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyong sarili,

Isaiah 44:18Hindi nila nalalaman, ni naiintindihan, dahil ang kanilang mga mata ay bulag at hindi nakakakita, at ang kanilang mga puso ay hindi nakakaunawa.

Jeremiah 2:27Sila ang mga nagsabi sa puno, 'Ikaw ang aking ama,' at sa bato, 'Ipinanganak mo ako.' Sapagkat nakaharap sa akin ang kanilang likuran at hindi ang kanilang mga mukha. Gayunpaman, sinasabi nila sa oras ng mga kaguluhan, 'Tumayo ka at iligtas mo kami!'

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hosea 4:12

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hosea 4:11Hosea 4Hosea 4:13 →