Hosea 4:2
May pagsusumpa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilabag ng mga tao ang lahat ng hangganan at sunod-sunod ang pagdanak ng dugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 24:5Ang mundo ay narumihan dahil sinuway ng mga naninirahan dito ang mga batas, nilabag ang mga kautusan, at winasak ang walang hanggang tipan.
Isaiah 59:2Ang inyong makasalanang mga kilos, gayunman, ay naghiwalay sa inyo mula sa inyong Diyos, at dahil sa inyong mga kasalanan ay nagawa niyang maitago ang kaniyang mukha mula sa inyo at mula sa pakikinig sa inyo.
Jeremiah 5:1“Magmadali ka sa mga lansangan ng Jerusalem, maghanap din sa mga pamilihan ng kaniyang lungsod. Tingnan at pag-isipan ang tungkol dito. Kung makakatagpo ka ng tao o sinumang kumikilos nang makatarungan at sinusubukang kumilos nang tapat, patatawarin ko ang Jerusalem.
Jeremiah 5:7Bakit ko patatawarin ang mga taong ito? Tinalikuran ako ng iyong mga anak at sumumpa sa mga hindi diyos. Binusog ko sila, ngunit nangalunya sila at ginugol ang mga panahon sa bahay aliwan.
Jeremiah 6:7Gaya ng balon na patuloy na nagbibigay ng tubig, patuloy din na gumagawa ng kasamaan ang lungsod na ito. Narinig sa kaniya ang karahasan at kaguluhan. Patuloy sa aking harapan ang pagdurusa at salot.
Jeremiah 9:2Kung may makapagbibigay lamang sa akin ng isang lugar sa ilang na para sa mga manlalakbay upang panirahan, na aking mapupuntahan upang talikuran ang aking bayan. Kung maaari ko lamang silang iwanan, yamang mga nakikiapid silang lahat, isang pangkat ng mga taksil!