Hosea 5:13
Nang makita ng Efraim ang kaniyang pagkakasakit, at nakita ng Juda ang kaniyang sugat, pumunta ang Efraim sa Asiria at nagpadala ang Juda ng mga mensahero sa dakilang hari. Ngunit wala siyang kakayahan upang pagalingin kayong mga tao o pagalingin ang inyong sugat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Para akong isang tanga sa damit sa Efraim, at tulad ng bulok sa tahanan ng Juda.
Cross References
2 Kings 15:29Sa mga panahon na si Peka ay hari ng Israel, si Tiglat Pileser hari ng Asiria ay dumating at sinakop ang Ijon, Abelbetmaaca, Janoas, Kades, Hazor, Galaad, Galilee, at lahat ng lupain ng Naftali. Tinangay niya ang mga mamamayan sa Asiria.
2 Chronicles 28:16Nang mga panahong iyon, nagpadala si Haring Ahaz ng mga mensahero sa mga hari ng Asiria upang pakiusapan silang tulungan siya.
2 Chronicles 28:21Sapagkat sinamsam at pinagnakawan ni Ahaz ang tahanan ni Yahweh at ang mga tahanan ng mga hari at mga pinuno upang ibigay sa mga hari ng Asiria, ngunit hindi ito nakatulong sa kaniya.
Jeremiah 30:14Kinalimutan ka na ng lahat ng iyong mga mangingibig. Hindi ka nila hahanapin sapagkat sinugatan kita kagaya ng sugat ng isang kalaban at pagdidisiplina ng isang malupit na panginoon dahil sa iyong napakaraming kasamaan at mga hindi mabilang mong mga kasalanan.
Hosea 7:11Tulad ng isang kalapati ang Efraim, mapaniwalain at walang pang-unawa, tumatawag sa Egipto at lilipad patungong Asiria.
Hosea 10:6Dadalhin sila tungo sa Asiria bilang isang kaloob para sa dakilang hari. Malalagay sa kahihiyan ang Efraim, at mapapahiya ang Israel dahil sa pagsunod sa mga payo ng mga diyus-diyosan.