Hosea 7:11
Tulad ng isang kalapati ang Efraim, mapaniwalain at walang pang-unawa, tumatawag sa Egipto at lilipad patungong Asiria.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Ephraim also is like a silly dove without heart: they call to Egypt, they go to Assyria.
In Context
Cross References
2 Kings 15:19Pagkatapos si Pul ang hari ng Asiria ay dumating laban sa lupain at nagbigay si Menahem kay Pul ng isang libong talentong pilak, para siya ay tulungan ni Pul na palakasin ang kaharian ng Israel sa kaniyang pangunguna.
2 Kings 17:3Nilusob siya ni Salmaneser hari ng Asiria, at naging lingkod niya si Hosea at nagbigay sa kaniya ng buwis.
Proverbs 15:32Ang siyang tumatanggi sa disiplina ay namumuhi sa kaniyang sarili, pero ang siyang nakikinig sa pagtatama ay nagtatamo ng kaunawaan.
Isaiah 30:1“Kaawa-awa ang mga suwail na anak,” ito ang pahayag ni Yahweh. “Gumagawa sila ng mga plano, pero hindi mula sa akin; gumagawa sila ng mga alyansa sa mga ibang bansa, pero hindi sila ginabayan ng aking Espiritu, kaya nagdadagdag sila ng kasalanan sa kasalanan.
Jeremiah 2:18Kaya ngayon, bakit ka pupunta sa Egipto at iinom ng tubig sa Sikor? Bakit ka pupunta sa Asiria at iinom ng tubig sa Ilog ng Eufrates?
Ezekiel 23:4Ang kanilang mga pangalan ay sina Ohola—ang nakatatandang kapatid na babae—at si Oholiba—ang kaniyang nakababatang kapatid na babae. Pagkatapos naging akin sila at nanganak ng mga anak na lalake at mga anak na babae. Ito ang ibig sabihin ng kanilang mga pangalan: Samaria ang kahulugan ng Ohola, at Jerusalem ang kahulugan ng Oholiba.