Hosea 5:2
Nalunod sa pagkakatay ang mga maghihimagsik, ngunit sasawayin ko silang lahat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the revolters are profound to make slaughter, though I have been a rebuker of them all.
In Context
Cross References
Psalms 64:3Hinasa nila ang kanilang mga dila gaya ng mga espada; itinutok nila ang kanilang mga palaso, mapapait na mga salita,
Isaiah 1:5Bakit pa kayo nasasaktan? Bakit pa kayo nagrerebelde nang paulit-ulit? May sakit ang inyong buong ulo, nanghihina ang buong puso niyo.
Jeremiah 5:3Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.
Jeremiah 11:18Ipinaalam ni Yahweh sa akin ang mga bagay na ito, kaya alam ko ang mga ito. Ikaw Yahweh, ang nagpakita sa akin ng kanilang mga gawain.
Jeremiah 25:3Sinabi niya, “Sa dalawampu't tatlong taon, mula sa ikalabing-tatlong taon ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda hanggang sa araw na ito, dumating ang mga salita ni Yahweh sa akin. Ipinapahayag ko ang mga ito sa inyo. Masigasig kong ipinapahayag ang mga ito, ngunit hindi kayo nakinig.
Hosea 6:5Kaya pinutol ko sila ng pira-piraso sa pamamagitan ng mga propeta, pinatay ko sila ng mga salita ng aking mga bibig. Ang iyong utos ay tulad ng ilaw na nagliliwanag.