Hosea 6:5
Kaya pinutol ko sila ng pira-piraso sa pamamagitan ng mga propeta, pinatay ko sila ng mga salita ng aking mga bibig. Ang iyong utos ay tulad ng ilaw na nagliliwanag.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:25Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?”
1 Samuel 15:22Sumagot si Samuel, “Mas nagagalak ba si Yahweh sa mga handog na susunugin at mga alay, kaysa sa pagsunod sa boses ni Yahweh? Ang pagsunod ay maigi kaysa sa alay, at ang pakikinig ay maigi kaysa sa taba ng mga lalaking tupa.
1 Kings 17:1Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
1 Kings 19:17Mangyayari na papatayin ni Jehu ang sinumang makakatakas mula sa espada ni Hazael, at papatayin ni Eliseo ang sinumang makakatakas mula sa espada ni Jehu.
2 Chronicles 21:12Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda,
Job 34:10Kaya makinig kayo sa akin, kayong mga matatalino: malayong gawin ng Diyos na gumawa ng kasamaan; malayong gawin ng Makapangyarihan na magkasala.