Hosea 6:10
Nakita ko sa sambahayan ng Israel ang mga kakila-kilabot na bagay. Nandoon ang pagbebenta ng aliw ng Efraim, at nadungisan ang Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 12:8Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya.
2 Kings 17:7Ang pagkakabihag na ito ay naganap dahil ang mga Israelita ay nagkasala laban kay Yahweh ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kapangyarihan ng Faraon hari ng Egipto. Ang mga tao ay sumasamba sa ibang mga diyos at
Jeremiah 3:6Kaya sinabi sa akin ni Yahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo ba kung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungo siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilos gaya ng babaing bayaran.
Jeremiah 18:13Samakatwid ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tanungin mo ang mga bansa, sino ang nakarinig ng ganitong bagay? Ang birheng Israel ay nakagawa ng isang kakila-kilabot na gawa.
Ezekiel 23:5Ngunit kumilos si Ohola bilang isang nagbebenta ng aliw kahit nang siya ay akin pa; pinagnasahan niya ang kaniyang mga mangingibig, para sa mga taga-Asiria na makapangyarihan,
Hosea 4:12Sumasangguni ang aking mga tao sa kanilang mga diyus-diyosan na kahoy, ang kanilang mga tungkod ang nagbibigay sa kanila ng mga hula. Sapagkat ang espiritu ng kahalayan ang nagligaw sa kanila at iniwan nila ako, na kanilang Diyos.