Hosea 6:4
Ano ang gagawin ko sa inyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, Juda. Ang inyong katapatan ay tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 3:12Muling sumuway ang bayan ng Israel kay Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng mga masasamang bagay, at nakita niya ang kanilang ginawa. Kaya binigyan ni Yahweh ng lakas si Eglon ang hari ng Moab sa kaniyang pagsalakay laban sa Israel, dahil nakagawa ang Israel ng mga bagay na masama gaya ng napansin ni Yahweh.
Psalms 106:12Pagkatapos, naniwala sila sa kaniyang mga salita, at inawit nila ang kaniyang papuri.
Jeremiah 3:10At pagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nang buong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundi isang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Jeremiah 5:7Bakit ko patatawarin ang mga taong ito? Tinalikuran ako ng iyong mga anak at sumumpa sa mga hindi diyos. Binusog ko sila, ngunit nangalunya sila at ginugol ang mga panahon sa bahay aliwan.
Jeremiah 5:23Ngunit matitigas ang puso ng mga taong ito. Naghimagsik sila at lumayo.
Jeremiah 34:15Ngayon, kayo mismo na nagsisi at nagsimulang gawin ang tama sa aking paningin. Ipinahayag ninyo ang kalayaan, sa bawat tao sa kaniyang kapwa. At itinatag ninyo ang isang kasunduan sa aking harapan sa tahanan na tinawag sa aking pangalan.