Hosea 6:8
Ang Gilead ay isang lungsod ng mga gumagawa ng kasamaan, puno ng bakas ng dugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Gilead is a city of them that work iniquity, and is polluted with blood.
In Context
7Tulad ni Adan, sinira nila ang kasunduan; hindi sila naging tapat sa akin.
Cross References
2 Samuel 3:27Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
1 Kings 2:5Alam mo rin kung ano ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruias, at kung ano ang ginawa niya sa dalawang kumander ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jeter, na pinatay niya. Pinadanak niya ang dugo ng digmaan sa panahon ng kapayapaan at inilagay ang dugo ng digmaan sa sinturon sa palibot ng kaniyang baywang at sa mga sapatos niya sa kaniyang mga paa.
Psalms 59:2Panatilihin mo akong ligtas mula sa mga gumagawa ng malaking kasalanan, at iligtas mo ako mula sa mga taong uhaw sa dugo.
Jeremiah 11:19Tulad ako ng isang maamong tupa na dinala sa mangangatay. Hindi ko alam na may binalak sila laban sa akin, “Sirain natin ang puno maging ang mga bunga nito! Putulin natin siya sa lupain ng mga buhay upang hindi na maalala pa ang kaniyang pangalan.”
Hosea 5:1Pakinggan ninyo ito, mga pari! Bigyan ninyo ng pansin, sambahayan ng Israel! Makinig, sambahayan ng hari! Sapagkat paparating na ang paghuhukom laban sa inyong lahat. Naging isang bitag kayo sa Mizpa at isang nakalatag na lambat sa buong Tabor.
Hosea 12:12Tumakas si Jacob sa lupain ng Aram; nagtrabaho si Israel upang magkaroon ng asawa; at nangangalaga ng mga kawan ng mga tupa upang magkaroon ng isang asawa.