Hosea 7:12
Kapag aalis sila, ilalatag ko sa kanila ang aking lambat, ibabagsak ko sila tulad ng mga ibon sa kalangitan. Parurusahan ko sila sa kanilang pagsasama-sama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:14Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi sumunod sa lahat ng mga utos na ito,
Deuteronomy 29:22Ang darating na salinlahi, ang mga anak ninyo na lilitaw pagkatapos ninyo, at ang dayuhan na nagmula sa isang malayong lupain, ay magsasalita kapag nakita nila ang mga salot sa lupaing ito at ang mga karamdaman na ginawa ni Yahweh —
Deuteronomy 32:15Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
Job 19:6kung gayon dapat alam ninyo na ginawan ako ng mali ng Diyos at nahuli ako sa kaniyang lambat.
Jeremiah 16:16Tingnan ninyo! magpapadala ako ng maraming mangingisda—Ito ang pahayag ni Yahweh—upang hulihin nila ang mga tao. Pagkatapos nito, ipadadala ko ang maraming mangangaso upang hanapin sila sa lahat ng kabundukan at mga burol, at sa mga bitak ng bato.
Ezekiel 12:13Sasakluban ko siya ng aking lambat at mahuhuli siya sa aking bitag at dadalhin ko siya sa Babilonia, ang lupain ng mga Caldeo, ngunit hindi niya ito makikita. Doon siya mamamatay.