Hosea 7:5
Sa araw ng ating hari, nilasing ng mga opisyal ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng init ng alak. Iniabot niya ang kaniyang kamay sa mga nangutya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 13:4Nang marinig ng hari kung ano ang sinabi ng lingkod ng Diyos, na siya ay nagsalita laban sa altar ng Bethel, itinaas ni Jeroboam ang kaniyang kamay mula sa altar, na sinasabi, “Hulihin siya.” Pagkatapos ang kamay na itinuro niya laban sa lalaki ay natuyo, sa gayon hindi niya ito maibalik sa kaniyang sarili.
Psalms 69:12Pinag-uusapan ako ng mga nakaupo sa tarangkahan ng lungsod; ako ang awit ng mga manginginom.
Proverbs 20:1Ang alak ay mangungutya at ang matapang na inumin ay basag-ulero; ang sinumang naliligaw sa pamamagitan ng pag-inom ay hindi matalino.
Isaiah 5:11Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!
Isaiah 28:1Kaawaan ang ipinagyayabang na kwintas na bulaklak ng mga lasenggo ng Efraim at sa kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan, na nasa tuktok ng masaganang lambak ng mga lango sa alak!
Daniel 5:1Nagdaos si haring Belsazar nang napakalaking handaan para sa isang libo niyang maharlikang tauhan, at uminom siya ng alak sa harapan nilang lahat na isang libo.