Hosea 8:12
Maaari kong isulat ng sampung libong beses ang aking kautusan para sa kanila, ngunit titingnan lang nila ito tulad ng isang bagay na kakaiba sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I have written to him the great things of my law, but they were counted as a strange thing.
In Context
Cross References
2 Kings 17:15Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
Nehemiah 9:26Pagkatapos, sila ay naging suwail at naghimagsik laban sa iyo. Tinapon nila ang iyong batas sa kanilang likuran. Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila na bumalik sa iyo, at gumawa sila ng matinding mga kalapastanganan.
Psalms 119:18Buksan mo ang aking mga mata para makita ko sa batas mo ang mga kahanga-hangang bagay.
Proverbs 22:20Hindi ko ba naisulat sa iyo ang tatlumpung kasabihan ng tagubilin at kaalaman,
Jeremiah 6:16Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.'
Hosea 4:6Malilipol ang aking mga tao dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sapagkat tinanggihan ninyong mga pari ang kaalaman, tatanggihan ko rin kayo bilang mga pari sa akin. Sapagkat kinalimutan ninyo ang aking kautusan, bagaman ako ang inyong Diyos, kakalimutan ko din ang inyong mga anak.