The Bible Software
bible.softwareHoseaHosea 9 › Hosea 9:11

Hosea 9:11

Patungkol kay Efraim, lilipad na parang ibon ang kanilang kaluwalhatian. Wala nang isisilang, wala nang pagbubuntis at wala nang paglilihi.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

As for Ephraim, their glory shall fly away like a bird, from the birth, and from the womb, and from the conception.

In Context

10Sinasabi ni Yahweh, “Nang natagpuan ko ang Israel, tulad ito ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos, natagpuan ko ang inyong mga ama. Ngunit nagpunta sila kay Baal Peor, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahiya-hiyang diyus-diyosang iyon. Naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig.

12Bagama't nagkaroon sila ng mga anak, kukunin ko sila upang wala ng matira sa kanila. Kahabag-habag sila kapag tumalikod ako sa kanila!

Read all of Hosea 9

Cross References

Genesis 41:52Tinawag niya ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na Efraim, dahil sinabi niya, “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking dalamhati.”

Genesis 49:22Si Jose ay magiging mabungang sanga, isang mabungang sanga malapit sa batis at aakyat sa pader ang mga sanga.

Deuteronomy 28:57at ng kaniyang sariling bagong panganak na lumabas mula sa gitna ng kaniyang binti, at ng mga anak na kaniyang ipagbubuntis. Kakainin niya sila ng pribado dahil sa kakulangan ng kahit na ano, sa panahon ng pagsalakay at pagdurusa na inilagay ng inyong kalaban sa loob ng inyong mga tarangkahan ng lungsod.

2 Samuel 6:23Kaya si Mical, ang babaeng anak ni Saul, ay hindi nagkaroon ng mga anak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.

Job 18:18Itutulak siya mula sa liwanag patungo sa kadiliman at itatapon sa labas ng mundong ito.

Ecclesiastes 6:3Kung ang isang lalaki ay maging ama ng isang daang anak at mabuhay ng maraming taon, sa gayon ang mga araw ng kaniyang mga taon ay marami, ngunit kung hindi nasiyahan ang kaniyang puso sa kabutihan at siya ay hindi inilibing nang may karangalan, kaya aking sasabihin na ang isang sanggol na patay ipinanganak ay mas mabuti pa kaysa sa kaniya.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hosea 9:11

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hosea 9:10Hosea 9Hosea 9:12 →