Isaiah 1:24
Kaya, ito ang pahayag ng Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, ang Magiting ng Israel: “Kaawa-awa sila! Maghihiganti ako laban sa mga kaaway ko, at ipaghihiganti ko ang aking sarili laban sa mga kalaban ko;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:43Magdiwang, kayong mga bansa, kasama ng mga tao ng Diyos, dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod; Maghihiganti siya sa kaniyang mga kaaway, at gagawa siya ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniyang lupain, para sa kaniyang mga tao.
Proverbs 1:25Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway.
Isaiah 35:4Sabihin ninyo sa mga taong natatakot na puso, “Maging matapang kayo, huwag matakot! Pagmasdan ninyo, ang inyong Diyos ay darating na may paghihiganti, kasama ang paniningil ng Diyos. Darating siya at ililigtas kayo.”
Isaiah 60:16Iinumin din ninyo ang gatas ng mga bansa, at sususo sa dibdib ng mga hari; malalaman ninyo na Akong, si Yahweh, ako ang inyong Tagapagligtas at inyong Manunubos, ang Tanging Kalakasan ni Jacob.
Isaiah 63:4Dahil inaasam-asam ko ang araw ng paghihiganti, at dumating na ang taon para sa aking pagtubos.
Ezekiel 5:12Mamamatay sa salot ang ikatlong bahagi ninyo, at mauubos sila ng kagutuman sa inyong kalagitnaan. Ang ikatlong bahagi sa inyo ay mamamatay sa pamamagitan ng espada sa paligid ninyo. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa inyo sa bawat dako, at huhugot ng espada upang habulin din sila.