Isaias 10:26
At hahampasin sila ni Yahweh ng mga hukbo ng latigo, tulad nang pagtalo niya sa Midian sa bato ng Oreb. Itataas niya ang kaniyang pamalo sa ibabaw ng dagat tulad nang ginawa niya sa Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:16Itaas mo ang iyong tungkod, iunat mo sa pamamagitan ng iyong kamay sa ibabaw ng dagat at hatiin mo ito sa dalawa, para ang bayan ng Israel ay makarating sa dagat sa tuyong lupa.
Judges 7:25Nabihag nila ang dalawang prinsipe ng Midian, sina Oreb at Zeeb. Pinatay nila si Oreb sa bato ng Oreb, at pinatay nila si Zeeb sa pigaan ng ubas ng Zeeb. Hinabol nila ang mga Midianita at dinala nila ang mga ulo nina Oreb at Zeeb kay Gideon, na nasa kabilang ibayo ng Jordan.
Nehemiah 9:10Nagbigay ka ng mga tanda at kababalaghan laban sa Paraon, at sa lahat ng kaniyang mga alipin, at sa lahat ng mga tao sa kaniyang lupain, dahil alam mo na ang mga taga-Ehipto ay kumilos nang may pagmamataas laban sa kanila. Pero gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili na nananatili hanggang sa araw na ito.
Psalms 83:11Gawin mong tulad nina Oreb at Zeeb ang kanilang mga maharlika, at lahat ng kanilang mga prinsipe tulad nina Zeba at Zalmuna.
Isaiah 9:3Pinarami mo ang bansa, dinagdagan mo ang kanilang kagalakan; nagagalak sila sa iyo gaya nang sa anihan, gaya ng mga kalalakihan kapag pinaghahatian na nila ang nasamsam sa labanan.
Isaiah 10:16Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.