Isaias 11:14
Sa halip, lulusob sila sa mga burol ng Filisteo sa kanluran, at sama-sama nilang susugurin ang mga tao sa silangan. Lulusubin nila ang Edom at Moab, at susunod sa kanila ang bayan ng Ammon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:3Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita.
Isaiah 25:10Dahil dito sa bundok na ito mamamalagi ang kamay ni Yahweh; at tatapakan ang Moab sa kaniyang lugar, kahit na ang dayami na yinapakan sa isang pataba na puno ng dumi.
Isaiah 34:5Sa oras na mabusog ang aking espada sa langit mula sa pag-inom; pagmasadan ninyo, bababa ito sa Edom, sa bayan na ibinukod ko para wasakin.
Isaiah 60:14Sila ay lalapit sa inyo para yumuko, ang mga anak na lalaki na humamak sa inyo; sila ay yuyuko sa inyong mga paanan; kayo ay tatawagin nilang, Ang Lungsod ni Yahweh, Sion ang Banal ng Israel.
Jeremiah 49:2Kaya tingnan ninyo, darating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—na patutunugin ko ang hudyat para sa digmaan laban sa Rabba sa mga tao ng Ammon, kaya ito ay magiging pinabayaang bunton at ang mga anak na babae nito ay magsisindi ng apoy. Sapagkat aangkinin ng Israel ang mga umangkin sa kaniya,” sinabi ni Yahweh.
Ezekiel 25:14Sa ganitong pamamaraan maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng kamay ng aking mamamayang Israel, at gagawin nila sa Edom ang ayon sa aking poot at matinding galit! Kaya malalaman nila ang aking paghihiganti! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'