Judges 6:3
Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 25:6Subalit, habang siya ay nabubuhay pa, nagbigay siya ng mga regalo sa kanyang mga anak na lalaki sa kanyang mga kerida at pinadala sila sa lupain ng silangan, malayo mula sa kanyang anak na si Isaac.
Exodus 17:8Pagkatapos dumating at nilusob ng isang hukbo ng mga Amalekita ang Israel sa Rephidim.
Deuteronomy 28:30Ipagkakasundo kayo sa isang babae, pero kukunin siya ng ibang lalaki at pipilitin siyang sumiping sa kaniya. Magtatayo kayo ng isang bahay pero hindi maninirahan doon; magtatanim kayo ng isang ubasan pero hindi matatamasa ang bunga nito.
Deuteronomy 28:51Kakainin nila ang anak ng inyong baka at ng bunga ng inyong lupain hanggang hanggang sa kayo ay mawasak. Wala silang ititirang butil para sa inyo, bagong alak, o langis, walang mga anak ng inyong kawan, hanggang sa maidulot nila sa inyo ang pagkakapuksa.
Judges 6:33Ngayon ang lahat ng mga Midianita, ang mga Amalekita, at ang mga tao sa silangan ay nagtipon ng magkakasama. Tumawid sila ng Jordan at nag-kampo sa lambak ng Jezreel.
Judges 8:10Ngayon sina Zeba at Zalmuna ay nasa Karkor, kasama nila ang kanilang mga hukbo, mga labinlimang libong kalalakihan, lahat ng mga nanatili mula sa buong hukbo ng mga tao ng silangan. Dahil doon 120, 000 ang bumagsak na kalalakihan na sinanay para lumaban gamit ang espada.