Isaiah 12:2
Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Masaya kayong kukuha ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.
Cross References
Exodus 15:2Si Yahweh ang aking lakas at awitin, at siya ang aking naging kaligtasan. Ito ang aking Diyos, at siya ay aking pupurihin, Diyos ng aking ama, at siya ay aking dadakilain.
Psalms 27:1Si Yahweh ang aking liwanag at aking kaligtasan; kanino ako matatakot? Si Yahweh ang kanlungan ng aking buhay; kanino ako mangangamba?
Psalms 68:20Ang ating Diyos ay ang Diyos na nagliligtas; Si Yahweh ang Panginoon ang siyang may kakayahang magligtas sa atin mula sa kamatayan.
Psalms 83:18At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.
Psalms 118:21Ako ay magpapasalamat sa iyo dahil sinagot mo ako, at ikaw ang naging kaligtasan ko.
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.