Isaiah 13:10
Hindi ibibigay ng mga bituin sa langit at mga grupo ng bituin ang kanilang liwanag. Magdidilim ang araw kahit na bukang-liwayway, at hindi magniningning ang buwan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 5:30Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.
Isaiah 24:23At ang buwan ay mahihiya, at ang araw ay mapapahiya, dahil si Yahweh ng mga hukbo ay maghahari sa Bundok Sion at sa Jerusalem, at sa harap ng kaniyang nakatatanda sa kaluwalhatian.
Ezekiel 32:7At kapag patayin ko ang iyong ilawan, tatakpan ko ang kalangitan at padidilimin ko ang mga bituin nito. Tatakpan ko ang araw sa pamamagitan ng mga ulap, at hindi magliliwanag ang buwan!
Joel 2:10Nayayanig ang lupa sa harapan nila, nayayanig ang kalangitan, dumilim ang araw at buwan at tumigil sa pagningning ang mga bituin.
Joel 3:15Didilim ang araw at buwan, mawawalan ng liwanag ang mga bituin.
Zephaniah 1:15Ang araw na iyan ay magiging araw ng matinding galit, araw ng pagkabahala at pagdadalamhati, araw ng unos at pagkawasak, araw ng kadiliman at kalungkutan, araw ng mga ulap at pumapaitaas na kadiliman!