Isaiah 5:30
Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 93:3Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
Isaiah 13:10Hindi ibibigay ng mga bituin sa langit at mga grupo ng bituin ang kanilang liwanag. Magdidilim ang araw kahit na bukang-liwayway, at hindi magniningning ang buwan.
Jeremiah 4:23Nakita ko ang lupain at tingnan mo! Wala itong hugis at walang laman. Sapagkat walang liwanag sa kalangitan.
Jeremiah 50:42Magdadala sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng ugong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na tila nakaayos na mandirigma laban sa inyo, anak ng Babilonia.
Ezekiel 32:7At kapag patayin ko ang iyong ilawan, tatakpan ko ang kalangitan at padidilimin ko ang mga bituin nito. Tatakpan ko ang araw sa pamamagitan ng mga ulap, at hindi magliliwanag ang buwan!
Amos 8:9“Darating ang mga ito sa araw na iyon”—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— “na palulubugin ko ang araw sa tanghaling tapat at padidilimin ko ang buong daigdig sa liwanag ng araw.