Isaiah 14:1
Mahahabag si Yahweh sa Jacob; pipiliin niya muli ang Israel at ibabalik sila sa sarili nilang lupain. Sasapi ang mga dayuhan sa kanila at iaanib ang kanilang mga sarili sa bayan ng Jacob.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:42ay isasaisip ko ang aking kasunduan kay Jacob, aking kasunduan kay Isaac, at ang aking kasunduan kay Abraham; gayun din, na isasaisip ko ang lupain.
Deuteronomy 30:3kung gayon babaligtarin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong pagkakabihag at magkakaroon ng habag sa inyo, babalik siya at titipunin kayo mula sa lahat ng mga tao kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay ikinalat kayo.
Ruth 1:16Pero sinabi ni Ruth, “Huwag mo akong palayuin mula sa iyo, sapagkat kung saan ka pupunta, doon ako pupunta; kung saan ka titira, doon ako titira; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos.
Esther 8:17Sa bawat lalawigan at sa bawat siyudad, saanman makarating ang kautusan ng hari, may kagalakan at kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pangilin. Maraming naging Judio ang nagmula sa ibat-ibang lahi ng mga tao, dahil ang takot ng mga Judio ay bumagsak sa kanila.
Psalms 102:13Babangon ka at maaawa sa Sion. Panahon na ngayon para kaawaan siya; dumating na ang takdang oras.
Psalms 136:10na siyang pumatay sa mga panganay na anak ng Ehipto, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—