Isaiah 14:29
Huwag kayong magalak, Filisteo, dahil nasira na ang pamalong hinampas sa inyo. Dahil sa pinanggalingan ng ahas ay may paparating na isa pa, at magiging lumilipad na ahas ang kaniyang anak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28Sa panahon na namatay si haring Ahaz, dumating ang pahayag na ito:
Cross References
Joshua 13:3(mula sa Sihor, na nasa silangan ng Ehipto, at pahilaga sa hangganan ng Ekron, na itinuring na ari-arian ng mga Cananaeo; ang limang namumuno ng Palestina, ng mga Gazeo, Asdodeo, Ashkelon, Gath, at Ekron—ang nasasakupan ng mga Awites).
2 Kings 18:8Nilusob niya ang mga taga-Filisteo patungong Gaza at ang mga hangganang nasa paligid, mula sa tore ng bantay hanggang sa matibay na lungsod.
2 Chronicles 28:18Sinakop din ng mga Filisteo ang mga lungsod sa mga mabababang lupain at ang Negev ng Juda. Kinuha nila ang Beth-semes, Aijalon, Gederot, Soco kasama ang mga nayon nito, Timna kasama ang mga nayon nito, at gayon din ang Gimzo kasama ang mga nayon nito. Nagpunta sila upang manirahan sa mga lugar na iyon.
Isaiah 11:8Makapaglalaro ang isang sanggol sa bahay ng ahas, at mailalagay ng batang hindi na sumususo sa kaniyang ina ang kaniyang mga kamay sa lungga ng ahas.
Ezekiel 26:2“Anak ng tao, dahil sinabi ng Tiro laban sa Jerusalem na, 'Aha! Nasira na ang mga tarangkahan ng mga tao! Humarap na siya sa akin; Ako ay mapupuno habang siya ay nasisira!'
Hosea 9:1Huwag kang magalak, Israel, sa tuwa na tulad ng ibang mga tao. Sapagkat hindi ka naging tapat, tinalikuran ang iyong Diyos. Kinagiliwan mo ang magbayad ng sahod na hinihingi ng isang babaing nagbebenta ng aliw sa lahat ng mga giikan.