Isaias 14:30
Kakain ang panganay ng mahirap, at makakatulog ng ligtas ang mga nangangailangan. Papatayin ko ang pinanggalingan mo sa pamamagitan ng kagutuman na papatay sa lahat ng nakaligtas sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 18:13Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay lalamunin; tunay nga, ang panganay ng kamatayan ang lalamon sa kaniyang mga bahagi.
Isaiah 5:17Pagkatapos, ang mga tupa ay kakain tulad ng sa sarili nilang pastulan, at sa mga guho ng mayayaman, ang mga batang tupa ay manginginain ng damo.
Isaiah 8:21Sila ay maglalakbay sa lupain na naghihirap at nagugutom. Kapag sila ay nagutom, magagalit sila at susumpain nila ang kanilang hari at ang Diyos, habang sila ay nakatingala.
Isaiah 30:23Ibibigay niya ang ulan para sa inyong binhi kapag maghahasik kayo sa lupa, at tinapay na masagana mula sa lupa. At magiging masagana ang mga pananim. Sa araw na iyon, ang inyong mga baka ay manginginain ng damo sa mga malawak na mga pastulan.
Isaiah 37:30Ito ang magiging palatandaan sa iyo: Sa taong ito kakain ka ng ligaw na halaman, at sa ikalawang taon kung ano ang bunga nito. Pero sa ikatlong taon kailangan mong magtanim at mag-ani, magtanim ng ubasan at kainin ang kanilang bunga.
Isaiah 65:13Ito ang sinabi ng Panginoon na si Yahweh, “Masdan ninyo, ang aking mga lingkod ay magsisikain at magsisiinom, pero kayo ay magugutom at mauuhaw; sila ay magsasaya, pero kayo ay malalagay sa kahihiyan.