Isaiah 14:3
Sa araw na bibigyan kayo ni Yahweh ng kapahingahan mula sa paghihirap at pagdurusa, at mula sa mahirap na pagtratrabaho na kailangan ninyong gawin,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:65Sa mga bansang ito hindi kayo makakahanap ng kaluwagan, at walang magiging kapahingahan para sa mga talampakan ng inyong mga paa; sa halip, bibigyan kayo ni Yahweh doon ng takot sa puso, lumalabong mga mata, at isang kaluluwang nagluluksa.
Isaiah 11:10Sa araw na iyon, titindig ang ugat ni Jesse bilang isang bandila para sa mga tao. Hahanapin siya ng mga bansa, at magiging maluwalhati ang kaniyang lugar ng kapahingahan.
Isaiah 32:18Ang bayan ko ay maninirahan sa isang mapayapang tirahan, sa mga ligtas na tahanan, at sa matahimik na mga lugar ng kapahingahan.
Jeremiah 30:8Ito ang pahayag ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo. Sapagkat sa araw na iyon, babaliin ko ang pamatok sa inyong leeg at sisirain ko ang inyong mga tanikala, upang hindi na kayo alipinin ng mga dayuhan kailanman.
Jeremiah 46:27“Ngunit ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot. Huwag kang mangamba, Israel, sapagkat tingnan mo, ibabalik ko kayo mula sa malayo, at ang inyong mga anak mula sa lupain ng kanilang pagkabihag. Pagkatapos, manunumbalik si Jacob, makakatagpo ng kapayapaan, at magiging ligtas, at wala ng sisindak sa kaniya.
Ezekiel 28:24Pagkatapos noon ay wala ng dawag na nakakasalubsob at mga tinik na nagpapahirap sa sambahayan ng Israel sa alin man sa nakapalibot sa kaniya na nanlalait sa kaniyang mga tao, kaya malalaman nila na ako ang Panginoong Yahweh!'