Isaiah 17:3
Maglalaho ang matitibay na lungsod mula sa Efraim, ang kaharian mula sa Damasco, at ang mga nalabi ng Aram—magiging gaya sila ng kaluwalhatian ng bayan ng Israel—ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Sa araw na iyon ay manghihina ang kaluwalhatian ni Jacob, at papayat ang katabaan ng kaniyang laman.
Cross References
2 Kings 16:9Pagkatapos pinakinggan siya ng hari ng Asiria, at dumating ang hari ng Asiria laban sa Damasco, sinakop ito at ibinilanggo ang kanilang mamamayan sa Kir. Pinaslang din niya si Rezin ang hari ng Aram.
Isaiah 7:8dahil ang kabisera ng Aram ay Damascus, at ang pinuno ng Damascus ay si Rezin. Sa loob naman ng animnapu't limang taon, ang Efraim ay magkakawatak-watak at hindi na muling magiging bayan.
Isaiah 8:4Sapagkat bago pa lang matutong sumigaw ang bata ng 'Aking tatay' at 'Aking nanay,' ang kayamanan ng Damasco at ang nasamsam ng Samaria ay dadalhin ng hari ng Asiria.
Isaiah 16:14Muli nagsalita si Yawheh, “Sa loob ng tatlong taon, mawawala ang kaluwalhatian ng Moab; kahit na marami siyang mga tao, kakaunti lang ang matitira at hindi pa mahalaga.”
Isaiah 28:1Kaawaan ang ipinagyayabang na kwintas na bulaklak ng mga lasenggo ng Efraim at sa kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan, na nasa tuktok ng masaganang lambak ng mga lango sa alak!
Hosea 1:6Nagbuntis muli si Gomer at nagsilang ng isang anak na babae. At sinabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siya sa pangalang Lo-ruhama, sapagkat hindi na ako mahahabag sa sambahayan ni Israel, ni dapat ko pa silang patawarin.