Isaiah 17:8
Hindi sila titingin sa mga altar, ang ginawa ng kanilang mga kamay, ni titingin sa mga nilikha ng kanilang mga daliri, ang mga poste ni Asera o ang mga imahe ng araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:13Sa halip, dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar, wasakin ang kanilang mga banal na haliging bato at putulin ang mga poste ni Asera.
2 Chronicles 31:1Ngayon nang matapos ang lahat ng ito, pumunta sa lungsod ng Juda ang lahat ng mga Israelita naroon at dinurog ang sagradong haliging mga bato, pinutol ang mga imahen ni Ashera, at giniba ang mga dambana at mga altar sa buong Juda at Benjamin. Ginawa rin nila ito sa Efraim at Manases, hanggang sa mawasak nilang lahat ang mga ito. At bumalik ang mga tao ng Israel, bawat isa sa kaniyang sariling lupain at lungsod.
2 Chronicles 34:6Ginawa rin niya ito sa mga lungsod ng Manases, Efraim, at Simeon, hanggang sa Neftali, at sa mga nawasak na lugar na nakapalibot sa kanila.
Isaiah 2:8Puno rin ng diyus-diyosan ang lupain nila; sinasamba nila ang mga inukit ng sarili nilang mga kamay, mga bagay na hinulma ng mga daliri nila.
Isaiah 27:9Sa ganitong paraan, ang matinding kasalanan ni Jacob ay mapapawalang sala, dahil ito ang magiging buong bunga sa pagtalikod niya sa kaniyang kasalanan: Gagawin niyang tisa at ginawang pulbos ang lahat ng altar na bato at walang mga poste ni Asera o mga altar ng insenso ang mananatiling nakatayo.
Isaiah 31:6Bumalik kayo sa kaniya kayong malalim na tumalikod, bayan ng Israel.