Isaiah 19:22
Pahihirapan ni Yahweh ang Ehipto, pahihirapan niya at pagagalingin ito. Babalik sila kay Yahweh; pakikinggan niya ang kanilang mga panalangin at pagagalingin niya sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:4Sasalakay ang mga palaka sa iyo, sa iyong mga tauhan, at sa lahat ng iyong mga lingkod."”'
2 Kings 20:5“Bumalik ka, at sabihin kay Hezekias, ang pinuno ng aking bayan, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na inyong ninuno: “Narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Pagagalingin na kita sa ikatlong araw, at aakyat ka sa tahanan ni Yahweh.
Isaiah 6:10Patigasin mo ang puso ng mga taong ito, gawin mong bingi ang kanilang mga tainga, at bulagin mo ang kanilang mga mata para hindi sila makakita o hindi sila makarinig at hindi makaunawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila sa akin at sila ay gagaling.”
Isaiah 45:14Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang yaman ng Ehipto, at pangangalakal ng Ethiopia sa mga Sabeo, mga taong matataas ang kalagayan, ay dadalhin sa iyo. Sila ay magiging inyo. Sila ay magsisisunod sa inyo, magsisidating na may mga tanikala. Sila ay magpapatirapa sa iyo, at sila ay makikiusap sa iyo na sinasabing, Tunay na ang Diyos ay nasa iyo, at walang iba liban sa kanya.
Ezekiel 29:13Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa pagtatapos ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga taga-Egipto mula sa mga tao kung saan sila ikinalat.
Hosea 6:2Pagkatapos ng dalawang araw, bubuhayin niya tayo; ibabangon niya tayo sa ikatlong araw, at mabubuhay tayo sa kaniyang harapan.