Exodus 8:4
Sasalakay ang mga palaka sa iyo, sa iyong mga tauhan, at sa lahat ng iyong mga lingkod."”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the frogs shall come up both on thee, and upon thy people, and upon all thy servants.
In Context
Cross References
Exodus 8:24Ginawa nga ito ni Yahweh, at ang makakapal na mga kuyog ng langaw ay dumating sa bahay ni Paraon at sa mga bahay ng kaniyang mga lingkod. Sa buong lupain ng Ehipto, ang lupain ay nasalanta dahil sa mga kuyog ng langaw.
Exodus 10:17Kaya ngayon, patawarin ninyo ako sa aking kasalanan sa oras na ito, at idalangin ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na kaniyang alisin ang kamatayang ito mula sa akin.”
1 Kings 13:6Sumagot si Haring Jeroboam at sinabi sa lingkod ng Diyos, “Makiusap ka para sa pabor ni Yahweh na iyong Diyos at ipanalangin ako, sa gayon maaaring maibalik muli sa dating kalagayan ang aking kamay.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos kay Yahweh, at muling naibalik sa dating kalagayan ang kamay ng hari.
Isaiah 19:11Ganap na hangal ang mga prinsipe ng Soan. Naging walang kabuluhan ang payo ng pinakamatalinong taga-payo ng Paraon. Paano mo nasasabi sa Paraon, “Ako ang anak ng matatalinong tao, isang anak ng sinaunang mga hari”?
Isaiah 23:9Si Yahweh ng mga hukbo ang nagplano nito para ilagay sa kahihiyan ang kaniyang pagmamataas at lahat ng kaniyang kaluwalhatian, para ipahiya ang lahat ng kaniyang pinarangalan sa lupa.
Acts 12:22Sumigaw ang mga tao, “Ito ang tinig ng isang diyos, hindi ng isang tao!”