Isaiah 2:18
Ganap na maglalaho ang mga diyus-diyosan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the idols he shall utterly abolish.
In Context
Cross References
Isaiah 21:9Paparating na ang mangangarwahe nang may kasamang hukbo, mga pares ng mangangabayo. Sumisigaw siya, “Bumagsak na, bumagsak na ang Babilonia, at nawasak ang lahat ng rebulto ng mga diyus-diyosan na sira sa lupa.”
Jeremiah 10:11Ganito ang sasabihin mo sa kanila, “Malilipol sa lupa at sa ilalim ng kalangitan ang mga diyos na hindi lumikha ng kalangitan at ng lupa.
Ezekiel 6:6Saanman kayo manirahan, masasayang ang inyong mga lungsod at maging ulila ang inyong matataas na lugar upang ang inyong mga altar ay masasayang at magiging ulila. Pagkatapos, mawawasak ang mga ito at maglalaho, ang inyong mga poste ay ibabagsak at mabubura ang inyong mga gawa.
Ezekiel 37:23At hindi na nila kailanman dudungisan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan, sa kanilang mga kasuklam-suklam na mga bagay o anuman sa iba pa nilang mga kasalanan. Sapagkat ililigtas ko sila mula sa lahat ng kanilang mga gawaing walang pananamplataya kung saan sila ay nagkasala, at lilinisin ko sila, upang sila ay maging aking mga tao at ako ang kanilang magiging Diyos.
Zephaniah 1:3Lilipulin ko ang mga tao at mga hayop, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga isda sa dagat, ang sanhi ng pagkasira kasama ng mga masasama! Sapagkat lilipulin ko ang sangkatauhan sa lupa!” Ito ang pahayag ni Yahweh.
Zechariah 13:2At mangyayari ito sa araw na iyon, “—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—”na tatanggalin ko ang mga pangalan ng mga diyus-diyosan mula sa lupain upang hindi na sila maalala kailanman. Palalabasin ko rin sa lupain ang mga bulaang propeta at ang kanilang maruming espiritu.