Isaiah 20:2
Sa panahon na iyon, nagsalita si Yahweh kay Isaias ang anak na lalaki ni Amoz at sinabing, “Hubarin mo ang iyong sako sa iyong baywang, at tanggalin mo ang iyong sandalyas”. Ginawa niya ito, naglalakad ng hubad at nakayapak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 5:15Sinabi ng pinununo ng hukbo ni Yahweh kay Josue, “Hubarin mo ang iyong sandalyas mula sa iyong mga paa, dahil banal ang lugar na iyong kinatatayuan.” At ginawa iyon ni Josue.
2 Samuel 6:20Pagkatapos bumalik si David para pagpalain ang kaniyang pamilya. Dumating si Mical, ang babaeng anak ni Saul, para salubungin si David at sinabi, “Labis na pagpaparangal ang hari ng Israel sa araw na ito, na hinubaran ang kaniyang sarili sa harapan ng mga mata ng mga babaeng alipin na kaniyang mga lingkod, katulad ng isang taong walang hiya na hindi nahihiyang hubaran ang kaniyang sarili!”
Job 1:20Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.”
Jeremiah 13:1Sinabi ito sa akin ni Yahweh, “Pumunta ka at bumili ng isang lino na damit-panloob at isuot mo ito sa palibot ng iyong baywang, ngunit huwag mo muna itong ilagay sa tubig.”
Ezekiel 4:5Ako mismo ang magtatalaga sa iyo ng isang araw upang kumatawan sa bawat taon ng kanilang kaparusahan: 390 araw! Sa ganitong paraan, papasanin mo ang kasalanan ng sambahayan ng Israel.
Ezekiel 24:23Sa halip, ang inyong mga turbante ay ilalagay sa inyong mga ulo at ang inyong mga sandalyas sa inyong mga paa; hindi kayo tatangis ni iiyak, sapagkat matutunaw kayo sa inyong mga kasamaan at ang bawat kalalakihan ay maghihinagpis para sa kaniyang kapatid na lalaki.