Isaiah 21:17
Ilan lang sa mga mamamana, sa mga mandirigma ng Kedar ang matitira, dahil nagsalita na si Yahweh, ang Diyos ng Israel.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 23:19Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
Isaiah 1:20Pero kung magmamatigas kayo at magrerebelde, lalamunin kayo ng espada dahil ang bibig ni Yahweh ay nagsalita.”
Isaiah 17:4Sa araw na iyon ay manghihina ang kaluwalhatian ni Jacob, at papayat ang katabaan ng kaniyang laman.
Isaiah 34:16Maghanap kayo mula sa balumbon ng kasulatan ni Yahweh; wala isa man sa mga ito ang mawawala. Walang magkukulang ng kapareha; dahil inutos ito ng kaniyang bibig, at sila ay tinipon ng kaniyang espiritu.
Jeremiah 44:29Ito ang magiging tanda para sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—na aking itinakda laban sa inyo sa lugar na ito, upang malaman ninyo na ang aking mga salita ay tiyak na sasalakay sa inyo sa pamamagitan ng kapahamakan.'
Matthew 24:35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.