Isaias 22:15
Sinasabi ito ng Panginoon, Yahweh ng mga hukbo, “Pumunta ka sa tagapamahala, kay Shebna, na siyang namamahala sa tahanan na iyon, at sabihin mo,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 10:5Pagkatapos ang lalaki na tagapamahala sa palasyo, at lalaki na naroroon sa lungsod, at pati rin ang mga matatanda, at sila na nagpalaki sa mga bata, ay nagpasabi kay Jehu, sinasabing, “Kami ang inyong mga lingkod. Gagawin namin ang lahat ng bagay na inuutos ninyo sa amin. Hindi namin gagawing hari ang sinumang lalaki. Gawin kung ano ang mabuti sa inyong paningin.”
2 Kings 18:26Pagkatapos sinabi nila Eliakim na anak ni Hilkias, ni Sebna, at ni Joas sa punong tagapag-utos, “Pakiusap, kausapin mo ang iyong mga lingkod sa wikang Aramaic, dahil naiintindihan namin ito. Huwag mo kaming kausapin sa wika ng Juda sa tainga ng mga mamamayang nasa pader.”
2 Kings 19:2Pinadala niya si Eliakim, na tagapamahala ng sambahayan, at Sebna ang eskriba, at ang mga nakatatanda sa mga pari, na binabalutan ng magaspang na tela, kay Isaias ang anak ni Amoz, ang propeta.
Isaiah 36:3Ang opisyales ng Israel na sumalubong sa labas ng lungsod para kausapin sila ay sina Eliakim anak ni Hilkias, ang administrador ng palasyo, Sebna ang kalihim ng hari, at Joa anak ni Asaf, na may-akda ng mga kapasyahan ng pamahalaan.
Isaiah 36:22Kaya si Eliakim anak ni Hilkias, na namumuno sa sambahayan, Sebna ang escriba, at Joa anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay nagtungo kay Hezekias nang punit ang kanilang damit, at iniulat sa kanya ang mga sinabi ng pinunong kumander.
Acts 8:27Siya ay tumayo at umalis. May isang lalaking mula Ethiopia, isang eunoko na may dakilang kapangyarihan mula kay Candace, na reyna ng mga Etiope. Siya ang namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan. Siya ay pumunta sa Jerusalem upang sumamba.