Isaias 26:14
Sila ay patay, hindi na sila mabubuhay; pumanaw na sila, hindi na sila muling babangon. Tunay nga, na dumating ka sa paghuhukom at winasak sila, at pinatay ang bawat alaala nila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:30Iniligtas ni Yahweh ang Israel sa araw na iyon sa kamay ng mga taga-Ehipto, at nakita ng Israel ang mga patay na mga taga-Ehipto sa dalampasigan.
Job 7:9Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa.
Job 24:20Makakalimutan siya ng sinapupunang nagdala sa kaniya; matamis siyang kakainin ng mga uod, hindi na siya maaalala magpakailanman; sa ganitong paraan, mababali ang kasamaan gaya ng puno.
Psalms 106:28Sumamba sila kay Baal sa Peor at kinain ang mga alay na handog sa mga patay.
Proverbs 10:7Ang taong gumagawa ng tama ay natutuwa tuwing siya ay ating naiisip ang tungkol sa kaniya, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok.
Isaiah 10:3Ano ang gagawin mo sa araw ng paghuhukom kapag dumating na ang pagkawasak mula sa malayo? Kanino ka tatakbo para magkubli at ilalagak ang iyong kayamanan?