Isaiah 28:13
Kaya ang salita ni Yahweh ay mapapasakanila, utos pagkaraan ng utos; panuntunan pagkaraan ng panuntunan, panuntunan pagkaraan ng panuntunan; kaunti dito, kaunti doon; nang sa gayon sumulong sila at mabuwal, at masaktan, mahulog sa bitag at mabihag.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Kaya makinig sa salita ni Yahweh, kayo na nangungutya, na namamahala sa bayang ito sa Jerusalem.
Cross References
Psalms 69:22Hayaan mong maging bitag ang mesa sa harap nila; kapag iniisip nila na ligtas sila, hayaan mong maging patibong ito.
Isaiah 6:10Patigasin mo ang puso ng mga taong ito, gawin mong bingi ang kanilang mga tainga, at bulagin mo ang kanilang mga mata para hindi sila makakita o hindi sila makarinig at hindi makaunawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila sa akin at sila ay gagaling.”
Isaiah 8:15Marami ang matitisod dito, madadapa at masisira, masisilo at mabibihag.
Jeremiah 23:36Ngunit hindi na ninyo kailangan pang magsalita tungkol sa pahayag ni Yahweh, sapagkat sa bawat pahayag mula sa bawat tao ay naging kaniyang sariling mensahe, at binago ninyo ang mga salita ng buhay na Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, na ating Diyos.
Hosea 8:12Maaari kong isulat ng sampung libong beses ang aking kautusan para sa kanila, ngunit titingnan lang nila ito tulad ng isang bagay na kakaiba sa kanila.
Matthew 21:44Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”