Isaiah 28:18
Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 2:15at laban sa bawat mataas na tore, at laban sa bawat matitibay na pader, at laban sa mga barko ng Tarsis,
Isaiah 8:8at palulubugin nito ang Juda, babaha at aagos, hanggang sa umabot ito sa inyong mga leeg. Ang kaniyang nakabukang mga pakpak ang tatabon sa buong lupain, Immanuel.”
Isaiah 28:3Ang ipinagmamayabang na kwintas na bulaklak ng mga lasenggo ng Efraim ay tatapakan.
Jeremiah 2:37Malulungkot ka ring lalabas mula roon na nakapatong ang iyong mga kamay sa iyong ulo, sapagkat tinanggihan ni Yahweh ang iyong mga pinagkatiwalaan upang hindi ka nila matulungan.”
Jeremiah 47:2“Sinasabi ito ni Yahweh: Tingnan mo, tumataas ang maraming tubig sa hilaga. Magiging tulad ng umaapaw na ilog ang mga ito! Pagkatapos, aapaw ang mga ito sa lupain at sa lahat ng naroon, sa mga lungsod nito at sa mga naninirahan dito! Kaya sisisgaw ng tulong ang bawat isa, at tatangis ang lahat ng mga naninirahan sa lupain.
Ezekiel 13:11Sabihin mo sa mga nagpipinta ng kalburong pampinta sa pader, “Guguho ito, magkakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan at magpapadala ako ng mga ulan na may kasamang yelo upang pabagsakin ito at isang napakalakas na hangin upang masira ito.