Isaiah 29:6
Paparusahan kayo ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel na may kulog, lindol, malakas na ingay, ng malalakas na mga hangin at matinding bagyo, at mga liyab ng isang lumalamong apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:10Magkakapira-piraso ang mga sumasalungat kay Yahweh; magpapakulog siya mula sa langit laban sa kanila. Si Yahweh ang huhusga sa mga dulo ng mundo. Bibigyan niya ng kalakasan ang kanyang hari at itataas niya ang sungay ng kanyang hinirang.”
2 Samuel 22:14Kumulog si Yahweh mula sa kalangitan. Sumigaw ang Kataas-taasan.
Isaiah 28:2Masdan ninyo, may isang makapangyarihan at malakas na tao mula sa Panginoon; gaya ng isang ulan ng yelo, isang namiminsalang bagyo, gaya ng isang laganap na napakalakas na ulan. Papaluin niya ang daigdig ng kanyang kamay.
Isaiah 31:9Panghihinaan sila ng loob dahil sa takot, at ang kaniyang mga prinsipe ay matatakot sa pagtanaw nila ng bandilang pandigma ni Yahweh.” - Ito ang pagpapahayag ni Yahweh, na ang apoy ay nasa Sion at ang pugon niya ay nasa Jerusalem.
Ezekiel 38:22At hahatulan ko sila sa pamamagitan ng salot, dugo, napakalakas na mga ulan, at malalaking yelo ng apoy. Pauulanin ko ng asupre sa kaniya at sa kaniyang mga pangkat at sa maraming mga tao na kasama niya.
Mark 13:8Sapagkat makikipaglaban ang isang bansa sa kapwa niya bansa, at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa maraming lugar at mga tag-gutom. Ito ang mga pasimula ng paghihirap na tulad ng isang babaing manganganak.