Mark 13:8
Sapagkat makikipaglaban ang isang bansa sa kapwa niya bansa, at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa maraming lugar at mga tag-gutom. Ito ang mga pasimula ng paghihirap na tulad ng isang babaing manganganak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 15:6Nagkawatak-watak sila, bansa laban sa bansa at lungsod laban sa lungsod sapagkat pinahirapan sila ng Diyos ng lahat ng uri ng pagdurusa.
Isaiah 19:2“Paglalabanin ko ang mga taga-Ehipto laban sa kapwa taga-Ehipto: lalabanan ng isang tao ang kaniyang kapatid, at ang isang tao laban sa kaniyang kapwa; ang lungsod ay lalaban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.
Jeremiah 4:31Kaya narinig ko ang ingay ng pagdadalamhati, pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay ng anak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina ako dahil sa mga mamamatay-taong ito.'”
Jeremiah 13:21Ano ang sasabihin mo kapag inilagay ng Diyos sa iyong itaas ang mga inaakala mong mga kaibigan mo? Hindi ba ito ang umpisa ng mga paghihirap na sasakop sa iyo gaya ng isang babaing nanganganak?
Jeremiah 25:32Ito ang sinabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo, 'Tingnan ninyo, lalabas ang sakuna mula sa bansa patungo sa bansa, at isang napakalakas na bagyo ang pasimula mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo.
Jeremiah 50:43Narinig ng hari ng Babilonia ang kanilang balita at nanlupaypay ang kaniyang mga kamay dahil sa pagkabalisa. Nilamon siya ng pagdadalamhati na tulad ng isang babaeng manganganak.