Isaias 30:27
Masdan ninyo, ang pangalan ni Yahweh ay dumarating mula sa malayong lugar, lumiliyab sa kanyang galit at nasa makapal na usok. Ang kanyang labi ay puno ng matinding galit, at ang kanyang dila ay tulad ng isang lumalamon na apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 33:2Sinabi niya: Mula si Yahweh sa Sinai at nagpakita sa kanila mula Seir. Nagliwanag siya mula sa Bundok ng Paran, at dumating siya kasama ang sampung libong mga banal na pinili. Sa kaniyang kanang kamay ay mayroong kumikislap na kidlat.
Psalms 79:5Gaano katagal, Yahweh? Mananatili ba ang iyong galit magpakailanman? Gaano katagal mag-iinit tulad ng apoy ang galit ng iyong pagseselos?
Isaiah 10:5Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot!
Isaiah 33:12Ang bayan ay masusunog sa apog, gaya ng mga mayabong na halamang tinik na pinuputol at sinusunog.
Isaiah 59:19Kaya sila ay matatakot sa pangalan ni Yahweh mula sa kanluran, at ang kaniyang kaluwalhatian mula sa pagsikat ng araw; dahil siya ay darating tulad ng isang batis na mabilis na umaagos, pinadadaloy sa pamamagitan ng paghinga ni Yahweh.
Isaiah 66:15Kaya masdan ninyo, darating si Yahweh na may apoy, at ang kaniyang mga karwahe ay darating tulad ng malakas na bagyo para dalhin ang sidhi ng kaniyang galit at ang kaniyang pagsaway na may lagablab ng apoy.