Isaiah 31:2
Gayunman siya ay marunong, at nagdadala siya ng sakuna at hindi niya binabawi ang kaniyang mga salita. At siya ay babangon laban sa masamang sambahayan at laban sa mga alipin na nakagawa ng kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 10:35Sa tuwing ilalabas ang kaban, sasabihin ni Moises, “Tumindig ka, Yahweh. Ikalat mo ang iyong mga kaaway. Palayasin mo ang mga taong napopoot sa iyo.”
Joshua 23:15Pero gaya ng bawat salitang ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ay natupad, kaya magdadala si Yahweh sa inyo ng lahat ng mga masasamang bagay hanggang sa mawasak niya kayo mula sa mabuting lupain na ito na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
Job 5:13Binibitag niya ang mga matatalino sa kanilang katusuhan; ang mga plano ng matatalino ay matatapos din.
Job 12:16Nasa kaniya ang kalakasan at karunungan; ang mga taong nilinlang at ang mga luminlang ay parehong nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan.
Psalms 68:1Hayaang tumayo ang Diyos; hayaang kumalat ang kaniyang mga kaaway; hayaan ding magtakbuhan palayo ang mga napopoot sa kaniya.
Isaiah 20:4sa ganitong paraan dadalhin ng hari ng Asiria ang mga bihag ng Ehipto, ang mga tapon ng Etiopia, bata at matanda, hubad at nakayapak, at walang panakip sa pigi, sa kahihiyan ng Ehipto.