Numbers 10:35
Sa tuwing ilalabas ang kaban, sasabihin ni Moises, “Tumindig ka, Yahweh. Ikalat mo ang iyong mga kaaway. Palayasin mo ang mga taong napopoot sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
34Nasa itaas nila ang ulap ni Yahweh sa araw habang naglalakbay sila.
36Sa tuwing hihinto ang kaban, sasabihin ni Moises, “Bumalik ka, Yahweh, sa libu-libong Israelita.”
Cross References
Deuteronomy 32:41Kapag hinahasa ko ang aking makintab na espada, at kapag nagsimula na ang aking kamay na magdala ng katarungan, maghihiganti ako sa aking mga kaaway, at gagantihan ko yaong mga napopoot sa akin.
Psalms 3:8Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. Selah
Psalms 68:2Kung paano itinaboy ang usok, gayundin ang pagtaboy mo sa kanila; kung paano natutunaw ang kandila sa harap ng apoy, hayaang maglaho ang mga masama sa presensiya ng Diyos.
Psalms 132:8Bumangon ka Yahweh; pumunta ka sa lugar ng iyong kapahingahan.
Isaiah 51:9Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?