Isaiah 31:5
Tulad ng mga ibon na lumilipad, si Yahweh ng mga hukbo ng mga anghel ay pangangalagaan ang Jerusalem; mangangalaga at magliligtas siya habang dumadaan dito at pinapanatili ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Bumalik kayo sa kaniya kayong malalim na tumalikod, bayan ng Israel.
Cross References
Exodus 12:27At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
Deuteronomy 32:11Gaya ng isang agila na nagbabantay ng kaniyang pugad at pumapagaspas sa ibabaw ng kaniyang mga inakay, ibinuka ni Yahweh ang kaniyang mga pakpak at kinuha sila, at dinala sila sa kaniyang mga likuran.
Psalms 37:40Sila ay tinutulungan at sinasagip ni Yahweh. Sinasagip niya sila mula sa masasama at iniligtas sila dahil sila ay kumubli sa kaniya.
Psalms 46:6Ang mga bansa ay napoot at ang mga kaharian ay nayanig; ang tinig niya ay kaniyang itinaas, at ang lupa ay naagnas.
Isaiah 10:14Kinuha ng aking kamay, na tila mula sa isang pugad, ang kayamanan ng mga bansa, na parang kumukuha lang ng mga naiwang itlog, ganoon ko kinamkam ang buong mundo. Walang nagpagaspas ng kanilang pakpak o nagbukas sa kanilang bibig para humuni.”
Isaiah 37:35Dahil ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at sasagipin ito, sa aking kapakanan at sa kapakanan ni David aking lingkod.”