Isaiah 31:4
Ito ang sinasabi sa akin ni Yahweh, “Tulad ng isang leon, kahit ang batang leon, na umaatungal sa gutay-gutay na biktima nito, pagkatapos na ang isang pangkat ng mga pastol ay tinawag laban dito, pero hindi ito manginginig sa kanilang mga tinig, ni tatakas sa kanilang ingay; kaya si Yahweh ng mga hukbo ng mga anghel ay bababa para lumaban sa Bundok ng Sion, sa burol na iyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:14Si Yahweh ay makikipaglaban para sa inyo, at kailangan lang ninyong manatili.
Numbers 24:8Ilalabas siya ng Diyos sa Ehipto. Mayroon siyang lakas katulad ng isang mabangis na baka. Uubusin niya ang mga bansa na lalaban sa kaniya. Babaliin niya ang kanilang mga buto sa pira-piraso. Tutudlain niya sila ng kaniyang mga palaso.
Psalms 125:1Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.
Isaiah 12:6Umiyak nang malakas at sumigaw sa tuwa, kayong mga naninirahan sa Sion, dahil nasa inyong kalagitnaan ang Banal na Diyos ng Israel.”
Isaiah 30:32At bawat paghampas ng inilaang pamalo na ipapatama ni Yahweh sa kanila ay sasamahan ng musika ng mga tamburin at mga alpa habang sila ay ginigiyera at nilalabanan niya.
Isaiah 42:13Si Yahweh ay lalabas bilang isang mandirigma; siya ay magpapatuloy bilang isang lalaking pangdigmaan. Kaniyang ipupukaw ang kasigasigan. Siya ay sisigaw, oo, siya ay hihiyaw ng kaniyang hiyaw na pandigmaan; ipapakita niya sa kaniyang mga kaaway ang kaniyang kapangyarihan.