Isaias 32:11
Manginig kayo, kayong mga babaeng kampante; maging maligalig, kayong mga panatag; hubarin ninyo ang inyong magagandang kasuotan at ilantad ninyo ang inyong kahubaran; magsuot kayo ng sako sa inyong mga baywang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Mananangis kayo para sa mga bukid na kaaya-aya, para sa mabungang puno ng mga ubas.
Cross References
Deuteronomy 28:48kaya magsisilbi kayo sa mga kalaban na ipinadala ni Yahweh laban sa inyo; pagsisislbihan ninyo sila sa gutom, sa uhaw, sa pagkahubad, at sa kahirapan. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa inyong mga leeg hanggang sa mawasak niya kayo.
Isaiah 2:21Pupunta ang mga tao sa mga kweba ng mga bato tungo sa siwang ng mga sira-sirang bato, mula sa pagkatakot kay Yahweh at sa kaluwalhatian ng karangyaan niya, kapag tumayo siya para sindakin ang mundo.
Isaiah 15:3Sa kanilang mga lansangan, nagsuot sila ng sako; nanangis sila sa tuktok ng kanilang mga bahay at sa plasa.
Isaiah 22:4Kaya sinabi ko, “Huwag ninyo akong tingnan, mapait akong hahagulgol; huwag niyo akong subukang aliwin dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng aking bayan.”
Isaiah 47:1Bumaba ka at umupo ka sa alikabok, birheng anak na babae ng Babilonia; maupo ka sa lupa nang walang trono, anak na babae ng mga taga-Caldea. Hindi ka na magiging kaakit-akit at kahali-halina.
Jeremiah 6:26Anak na babae ng aking mga tao, magsuot kayo ng damit-panluksa at gumulong sa alikabok ng isang paglilibing para sa kaisa-isang anak. Magsagawa kayo ng mapait na paglilibing para sa inyong mga sarili sapagkat biglang darating sa atin ang taga-wasak.