Isaiah 33:20
Pagmasdan ang Sion, ang lungsod ng aming mga pista; makikita ng inyong mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na matitirahan, isang tolda na hindi maaalis, na ang mga tulos ay hindi mahihila ni anuman sa mga tali nito ang masisira.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 16:16Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng inyong kalalakihan ay dapat magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Lebadura, sa Pista ng mga Linggo, at sa Pista ng mga Kanlungan; at hindi sila makikita sa harapan ni Yahweh na walang dala;
Psalms 46:6Ang mga bansa ay napoot at ang mga kaharian ay nayanig; ang tinig niya ay kaniyang itinaas, at ang lupa ay naagnas.
Psalms 48:13masdan mong mabuti ang kaniyang mga pader, at tingnan ang kaniyang mga palasyo nang sa gayon masabi mo ito sa susunod na salinlahi.
Psalms 125:1Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.
Isaiah 4:5Pagkatapos, lilikha si Yahweh ng ulap at usok sa umaga at ningning ng nag-aalab na apoy sa gabi para sa buong kampo sa Bundok ng Sion at sa kaniyang lugar kung saan sila nagtitipon-tipon; isang silungan ng lahat ng kaluwahatian.
Isaiah 37:33Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh sa hari ng Asiria: “Hindi siya makararating sa lungsod na ito, ni papana ng palaso dito. Ni makakalapit ito ng may panangga o gumawa ng taguan laban dito.